Saturday, February 7, 2015

Nurse ako, choice ko to.

Sabi ko non,

"Mag reresign na ko, gusto ko na kasi mag-nurse".

Sobrang bilis na desisyon yun, parang wala pang isang oras na pinag-isipan, na basta na lang gusto ko na mag-nurse. Hindi ko man lang inintay yung next bonus (oo na sayang) at kating-kati na ko umalis sa trabaho ko, kasi para "ay sayang naman lisensya ko" na feels ang nangibabaw.

Galing akong bangko, halos isang taon din naman akong ngtrabaho na nakaupo, intay ng kliyente, para na rin naman akong nurse, kasi inaalagaan ko yung mga kliyente. Ewan ko ba, bigla na lang hinanap ng katawan ko yung pagod, kasi bigla na lang akong nawalan ng gana. Nawala na yung passion (wow, passion) ko sa pagtratrabaho, na sa una lang pala masaya kasi sumusweldo ka. 

Hindi pinagisipan, alam ko yun. Pero iba e, kapag nakakaramdam ka na ng "tama ba talagang andito ako" yung mga ganyan feels ba naman ang iaarte mo? Mapaparesign ka talaga lalo't ang immature mo pa at wala ka pang ganong alam sa tinatawag nilang "REAL WORLD".

Ang galing galing ko diba? Ni hindi ko man lang ako ng seek ng guidance ng iba, basta magreresign ako tapos. Sabi ko pa sa sarili ko, "Sure na talaga to, ready na kong mapagod". Na parang ngayon, gusto ko ng bawiin (pero joke lang syempre).

Sa totoo lang, excited pa nga ko non e, na finally magiging nurse na ko, magagamit ko na pinagaralan ko, na alam ko namang konti na lang natatandaan ko. Alam mo yung feels na, anong work mo? "Nurse ho". Sarap pakinggan feeling mo ang galing galing mo. 


Syempre, sa tao tulad ko na mapusok, na kahit ano ittry. Ngtraining ako, 4 na buwan yun mga beh. Apat na buwan na, wala kong sweldo, asa kina parentals, at higit sa lahat back to basics talaga ko. Unang pag pasok ko, syempre orientation. Parang sa loob ko, "ang tanga mo bakit hindi mo matandaan yan" yun talaga. Kasi para kong hindi grumaduate ng Nursing? Yung parang grabe ano tong mga to? Nagpapanic na ko nun, para kasi kong wala kong alam. 

First month ng training ko, nanginiginig ako habang sabi ng preceptor ko, "Ma'am pakuha ako ng heparin" simpleng pag-aspirate ng gamot sa bottle hindi ko alam kung paano. 
Sorry na mga beh, alam ko namang 1st year pa lang tinuturo na yan. Siguro mga 5 minuto akong naka-tanga don, na hindi ko ma-aspirate yung gamot. Hiyang hiya ako sa sarili ko non, natatawa na lang ako na may halong lagkit ng pawis kasi nakakahiya talaga. Alam mo yung tinanung ko pa ung isang ka-trainee ko, "Ma'am may bubbles, paano ba alisin to" Nakakahiya pero at least nagawa ko, sobrang achievement na sa akin non.

Ang yabang yabang ko pa sa tuwing iniinterview ako non, "I'm a fast learner, I can easily cope up to any situation" well, gasgas na yang linya na yan, pero kung iaassess ko naman sarili ko talaga ganun talaga ko. 
Pero nung ngbalik Nursing ako para kong nautal kapag sasabihin ko yan. Kasi promise mga beh, ang hirap. Hindi joke tong pinasok ko. Sa tuwing masasabihan ka ng preceptor mo ng  "Ang bagal bagal mo ma'am, bilib na talaga ko sayo". Alam mo yung gusto mo na lang matunaw sa harap niya? Kasi hindi mo na alam next gagawin mo.

Naalala ko pa, mgiinject ako ng gamot, subcutaneous (sa taba) iinject yung gamot. Para kong tuod nun, sobrang kabado kasi di ko alam gagawin ko. Tapos hinila ako ng isang staff, tinuro kung paano. Na-survive ko yung araw na yun, though nakakahiya talaga na masabihan ka pa ng patient na "ano ma'am marunong ka ng mag-inject?" wala na kong pake, at least alam ko na kung anong gagawin ko next time.

Na-enjoy ko sa totoo lang. Madami kasi kong natutunan everyday, na kahit puyat ako sa mga duty, na minsan patay na bata ako kasi wala na kong social life, okay lang. Masaya naman kasi ako sa ginagawa ko, masaya ako sa mga kasama ko sa duty. Hindi ko na nga namalayang natapos ko na ung 4 months, na parang ang bilis bilis lang. Aaminin ko namang, hindi pa ko ganung ka-trained pero alam mo ung knowledge at skills na alam mong magtatagal talaga sayo. 

After training ko, ngvolunteer ako. Masaklap na katotohanan naman yun, kasi halos lahat naman ata ng nurses sa Pinas, naranasan yun. Yung struggle na papasok ka, na hindi ka babayaran. Yung minsan lugi ka pa sa pamasahe, na sana hindi na lang ako pumasok kung sisigawan mo lang pala ko. Yung mga ganun bagay na minsan, nasasabi ko na lang mali ata naging desisyon ko na ng Nurse pa ulit ako.

Araw-araw iniisip ko yun, tama bang nag-nurse ulit ako? Kasi hindi naman ako mgpapaka plastic, ang hirap ng transition ko. Hindi madali na nasanay ka na na every 15 at 30 may ineexpect kang sahod, na nabibili mo yung kaartehan mo sa katawan, na mabilis sayo makaipon, na sumusweldo ka kahit nakaupo ka lang.

Sa Nursing iba, yung parang bago mo sahurin yung ganun, mapapagod at mastrestress ka muna ng sobra. Tapos may mga araw na masasabi mo na lang "pumasok pa kasi ako e". Kasi hindi madaling, masigawan, hindi ka pagkatiwalaan ng mga bantay ng patients, yung utos-utusan ka, yung kahit gutom ka na wala deadma ka dapat kasi kelangan ka ng patient. HINDI MADALI. Sobrang nahirapan ako, lalo't hindi ako sanay. 

Binigyan ko ng chance sarili ko na itry ulit, baka kasi sa simula lang naman yan.
Kinaya ko naman, good news yun. 

Part naman ng trabaho mo yun talaga e. Part yung pagod. Part yung stress.

Nung na-hire ako. Syempre kahit papaano natuwa ako, finally susweldo na ko.

Alam ko naman na sa una palang, hindi ko magugustuhan kung anong sweldo ko, pero andito pa din ako hindi umaalis kasi natiis ko na yung ilang buwan na hirap, ngayon pa ko gigive-up?

Sad reality talaga maging nurse sa Pinas, sa totoo lang.

Maswerte pa nga akong hindi ako sa ward nagtratrabaho ngayon e. Paano pa kung sa ward dba? Na iba't ibang case ng patients ang hawak mo. Ako, iisa lang ung focus, tapos ang lakas ko pa magreklamo.

Pero kung tutuusin pare-pareho naman kami ng sentiments with regards sa pagiging nurse.

PAGOD at SWELDO ang kalaban mo. Na minsan gigising ka, "ayoko na pumasok pagod na ko". Pero kapag nurse ka, wala dapat sa bokabolaryo mo yan, kasi kelangan ka ng mga pasyente mo. Na minsan kahit puyat na puyat ka, na nagiging lover mo na ang kape kahit mgka ulcer at acidic ka, deadma ka na maayos mo lang yung trabaho mo. GANON.

Pero alam mo yung kahit pagod ka, isang "thank you" lang ng patient. Parang knock-out ka na, nawala na lahat ng angst mo sa buhay. Kasi ang sarap sa feeling naappreciate ka, yung tipong kahit napipilitan ka na minsan sa pag-pasok, tapos makikita mo yung patient na gumagaling sa pag-aalaga mo, wala na nakalimutan mo na lahat ng reklamo mo.

Siguro dun ako ngstastay, sa point na yun. Alam ko sa sarili ko, may kaya pa kong gawin sa buhay hindi lang ang pagnunursing, pero mas pinili ko mag-stay kasi gusto ko tong ginagawa ko. Sasabihin nyo plastic pero totoo. Mahirap, oo given na yun. Pero kasi, parang once na-attached ka na sa ginagawa mo, parang ang hirap ng iwan.

Hindi madali tong pinili kong path sa buhay ko, alam ko mas marami pa kong mararanasan. Yung mga mas matinding experience pa na mgpupush sa akin mg give-up. Pero ready ako, pipilitin kong maging matapang at matatag. 

Andito na ko e, mag gigive-up pa ba ko? Sayang naman ung hirap ko kung mapupunta sa wala. :)
Tulad bukas, duty na naman ako. Mapapagod na naman ako, cycle na un sa buhay ko. Pero kinakaya kasi dapat kayanin. 

Sa mga kapwa ko nurse, proud ako sa inyo mga beh. Kasi kahit mahirap you choose to stay. Alam ko naman part na yung gusto niyo makaalis sa bansa, pero ibang klase yung tyaga na binibigay nyo sa trabaho. Hindi madaling masigawan na head/senior nurse, ng mga patient o ung mga bantay. Na feeling mo incompetent ka na sa dalas na mangyari to. Pagpasensyahan na natin mga beh, kasi di naman nila alam kung ano ang hirap na nararamdaman natin. Keep on trying, at patunayan mo sa kanila na mapapahiya sila, kasi magaling ka, hindi ka basta gigive-up.

Patient muna bago ikaw. Tandaan mo lagi yan. Mas kelangan nila ng pag-aalaga mo kesa sa nararamdaman mo. Maging matatag ka kasi kelangan. Mahirap pero dapat tiisin. Kasi darating ang araw na masusuklian lahat ng pagod at iniyak mo sa pag nunurse.

Sabi nga ng nanay ko, "You'll have your time anak"  Ma kelan kaya yun? HAHA! 

Tiis mga beh. Darating tayo sa tamang time. :) Basta para sa akin, bagong graduate ka man, bagong pasa sa pagiging RN, bago ka sa trabaho, mas marami ka ng experience? Pare-pareho lang tayong nurse na kayang mag-alaga sa isang patient. Wala sa experience yan, nasa willingness to learn yan. Marami man tayong kakompetensya sa field natin, isipin mo lagi, "Nurse ako, kaya ko kayo". Tandaan mo yan. :)

Kaya mga beh, dasal at kapit lang. Marami pang plano sa atin si Lord. Wag susuko, keep on fighting. :)

No comments:

Post a Comment